Sino si Mark Ian Garcia at bakit trending siya sa X?

mark ian garcia

Photo courtesy: Mark Ian Garcia (IG)

Nayanig ang social media platform na “X” matapos mag-trending ang pangalang Mark Ian Garcia, na laman ng tsismis at intriga dahil sa isang kumakalat na maselang video. Maging ang komedyante at direktor na si John Lapus ay napa-curious sa dahilan ng pagte-trend ni Mark Ian, at nagtanong sa kanyang post:

“Mga anak, sino si Mark Ian Garcia?”

Ayon sa sagot ng netizens, si Mark Ian ay isang social media personality na diumano’y may kumakalat na kontrobersyal na video kung saan tila kasama niya ang isang “Daddy J.” Ang video, na burado na sa platform, ay pinagpiyestahan ng netizens—ang iba pa nga ay “pinagkakitaan” ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya kapalit ng pera.


Sino si Mark Ian Garcia?

Si Mark Ian Garcia Papa, sa buong pangalan, ay hindi bago sa mata ng publiko. Minsan na siyang naging kalahok sa isang segment ng “Eat Bulaga” at aktibo rin siya sa TikTok, kung saan naka-collab niya ang sikat na social media personality na si Esnyr.

Bukod sa pagiging TikToker at model, si Mark Ian ay isang public servant bilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Barangay Cupang, Muntinlupa City. Ipinagmamalaki rin ng kanyang supporters ang kanyang educational background, awards, at leadership experience, na madalas nakikita sa mga art cards na umiikot online.


Reaksyon ng Publiko at Mga Tagahanga

Nagulat ang mga fans at followers ni Mark Ian sa paglabas ng maselang video, lalo na’t kilala siya sa social media bilang isang “good boy” na positibo ang imahe. Gayunpaman, marami sa kanyang tagahanga ang nanindigan na ang naturang video ay AI-generated lamang at gawa-gawa para siraan ang kanyang reputasyon.

Mark Ian Garcia Fan

Isang fan page na pinangalanang “MarkNyr Official”, na wordplay ng pangalan nina Mark at Esnyr, ang naglabas ng opisyal na pahayag noong Disyembre 30:

“We MarkNyr Official would like to inform everyone that the video circulating online of Mark Ian Garcia is purely untrue and obviously AI Generated.”

Ayon pa sa pahayag, kinokondena nila ang pagpapakalat ng maling impormasyon na naninira sa integridad ni Mark Ian bilang public servant at bilang isang tao. Nagbigay din sila ng babala sa pagsasagawa ng mass reporting laban sa mga account na nag-post o nagbahagi ng video.


Ang Tugon ni Mark Ian

Bagama’t wala pang direktang pahayag si Mark Ian tungkol sa isyu, makikita sa kanyang mga social media posts na mas pinili niyang mag-focus sa kanyang tungkulin bilang SK Chairman. Sa Instagram stories, ipinakita niya ang mga aktibidad na ginawa niya para sa komunidad, kabilang na ang pamimigay ng mga torotot para sa Bagong Taon at ang kanyang mensahe ng pasasalamat para sa 2024:

“In this often cruel world, be someone who spreads kindness and love. Grateful for everything. Happy New Year!!!”


Mark Ian Garcia photo

Ang Kontrobersiya

Habang patuloy na pinag-uusapan ang isyu, ang pagiging trending ni Mark Ian ay nagbukas ng maraming tanong tungkol sa responsibilidad sa pagpapakalat ng impormasyon sa social media. Sa kabila ng mga intriga, nananatiling tahimik si Mark Ian, mas piniling ituloy ang kanyang responsibilidad bilang lider ng kabataan.

Bukas ang panig ng Balita para sa anumang opisyal na pahayag mula kay Mark Ian Garcia.

Mark Ian Garcia YE7

Advertisement

Scroll to Top